菲律賓副總統 莎拉杜特蒂歲末施政報告(全文)
Inday Sara Duterte
YEAR-END REPORT 2025
December 1, 2025
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Ngayong araw, ibabahagi ng Office of the Vice President sa inyo ang naging resulta ng taos-pusong serbisyo at katapatan sa bayan, sa buong taon ng 2025.
MEDICAL AND BURIAL ASSISTANCE
Alam nating malaking hamon ang pagkawala ng pondo para sa ating social services ngayong taon.
Ngunit sa bawat krisis na hinaharap ng ating kababayan, kailangan ng gobyerno ng matatag na solusyon.
Hindi kami pumayag na maging dahilan ang kakulangan ng budget para maputol ang serbisyo.
Sa halip, nakipagtulungan kami sa ibang ahensiya ng gobyerno at nagtagumpay na makakuha ng alternatibong pondo.
Dahil dito, nananatiling bukas ang ating assistance windows nitong taong 2025.
Nakapagbigay tayo ng tulong sa 4,643 na Pilipinong may karamdaman.
At nakatulong ang ating Burial Assistance sa 1,377 beneficiaries.
Ito ang pruweba na kung may puso at paninindigan para maglingkod, laging may paraan para tulungan ang ating mga kababayan.
DISASTER RELIEF AND RELIEF FOR INDIVIDUALS IN CRISES AND EMERGENCIES PROGRAM
Ang OVP ay laging handa sa panahon ng krisis.
Ang ating Disaster Operations Center ay patuloy na naghahatid ng agarang tulong.
Sa kabuuan, umabot sa 73,054 na pamilyang Pilipino na naapektuhan ng kalamidad ang ating natulungan, kabilang dito ang 9,129 na pamilyang nakatanggap ng donated items.
As part of our rapid response to the 6.9 magnitude earthquake in Cebu and the Mt. Kanlaon eruption, OVP distributed 2,514 bags of 25-kilo rice.
Kamakailan, personal kong pinangasiwaan ang relief operations sa Negros Occidental at Cebu para sa mga pamilyang sinalanta ng magkasunod na bagyong Tino at Uwan.
Hindi rin natin kinalimutan ang ating mga bayaning frontliners at rescuers.
Ang Kalusugan Food Truck ay nakapagpakain ng 1,866 na volunteers, rescuers, at frontliners.
Sa pamamagitan ng ating RIICE Program, nakapaghatid tayo ng kabuuang 56,575 bags of rice and essential food items sa mga response zones.
PAGBABAGO ONE MILLION LEARNERS AND TREES CAMPAIGN
Ang ating PagbaBAGo Campaign ay ang ating pamumuhunan sa kinabukasan ng ating bansa.
Ngayong taon, nalampasan na natin ang ating target. Nakapagtanim tayo ng higit isang milyong puno sa buong bansa—three years ahead of schedule.
Bilang simbolo ng dedikasyon, inakyat ng ating team sa Southern Mindanao ang Mount Apo, ang pinakamataas na bundok sa bansa, para magtanim ng Tinikaran trees at markahan ang ating millionth milestone.
Ang ating Million Learners Campaign naman ay nakapagpamahagi na rin ng 460,272 bags.
Direkta itong nakarating sa mga remote areas, tulad ng Obu Manuvu Indigenous Peoples learners sa Kidapawan City.
MAG NEGOSYO TA 'DAY
Ang pag-ahon sa kahirapan ng bawat pamilyang Pilipino ay prayoridad natin.
Sa pamamagitan ng Mag Negosyo Ta 'Day, nakapagbigay tayo ng suporta sa kabuuang 15 groups at 2,245 aspiring entrepreneurs ngayong taon.
LIBRENG SAKAY PROGRAM
Ramdam natin ang bigat ng presyo at bilihin at pamasahe. Kaya napakahalaga ng ating Libreng Sakay program.
Ngayong taon, pinalawak pa natin ang programa, kasama na ang Tacloban City, kung saan malaking tulong ito sa mga estudyante at pamilya.
Ang Libreng Sakay ay nagbibigay ginhawa sa budget ng mga pamilya, upang mapunta ang pera sa pagkain at edukasyon.
Mula Enero hanggang Oktubre, ang ating Libreng Sakay buses ay nakapagsilbi sa 875,176 na commuters nationwide.
ACCOUNTABILITY AND OPERATIONAL EXCELLENCE
Ang ating determinasyon na maglingkod ay sinasabayan ng dedication sa good governance at operational excellence.
Dahil sa ating digitalization efforts, binigyan tayo ng Special Citation mula sa Development Academy of the Philippines dahil sa ating 'Paper-less' challenge.
Nakapag-save tayo ng mahigit 3.2 milyong sheets of paper.
Ito ay patunay na ang ating commitment sa efficiency at sa kalikasan. Ito ay bahagi na ng ating araw-araw na operasyon.
Mula sa mahusay ng financial report ng OVP Finance Team nakuha natin ang Unqualified Opinion mula sa Commission on Audit (COA)—ang highest audit rating.
Ito ay malinaw na indikasyon ng ating transparency at fiscal integrity.
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng aming mga OVP partners na binigyan natin ng isang Pasidungog noong buwan ng Hunyo.
Ang inyong pakikipagtulungan ay kritikal upang matagumpay naming maihatid ang napapanahon, mahusay, at makabuluhang serbisyo publiko sa ating mga kababayan.
Mga kababayan, patuloy tayong lalaban sa kasakiman ng mga iilang mataas na opisyal ng ating pamahalaan. Patuloy namin na ipapakita sa inyo na ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay mahalaga sa amin ang pagkakaroon ng plano, mahusay na implementasyon ng proyekto, paglaban sa korapsyon, at tapang at malasakit para magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran sa ating bayan.
Patuloy po tayo maging matatag sa mga hamon ng krisis at patuloy na maging mapagmahal sa ating bayan. Gikan sa tibuok Opisina sa Bise Presidente naghinaot mi sa inyong malipayong pagsaulog sa Pasko ug kasadya sa inyong bag-ong tuig.
Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines
回應文章建議規則: